Wednesday, April 30, 2008

nang mag-piyesta

Lechon. Iyan ang unang
pumapasok sa isip ko
kapag naririnig ko ang
salitang piyesta.

Na-praktis ko ang aking eavesdropping skills nang magpunta ako sa piyesta dito sa amin noong April 28 bandang 1:00am-3:00 am. Narito ang narinig kong pag-uusap ng isang babae at isang lalaki sa likod ng aking inuupuan (ang mga nasa parenthesis ay aking mga komento):
L: Sumasayaw ka rin?
B: Hindi ah.
L: Secretly, papaya? (hindi ito endearment. siyempre wala pang endearment kasi ngayon lang sila nagkita. ang "Papaya" dito ay tumutukoy sa saway na pinasikat ni Edu.)
B: Hindi ah. (ate, "Itaktak" mo type mo ano?)
L: Taga-dito ka rin?
B: Hindi, taga-(insert your so near yet so far place) ako.
Ahhhh, basta ang ending ng pag-uusap na ito ay nagpalitan sila ng cell number pagkatapos ay dadalaw daw minsan ang lalaki sa bahay ng babae at magdadala siya ng iba pang mga kaibigan kung saan ni-request ng babae na magdala raw siya ng mga guwapo. Na sinagot naman ng lalaki, "Bakit pa e single naman ako." O di ba, ang bilis ni kuya? Yay.

Oo nga pala, may nakita pa akong isa. Ang kalaro ko ng teks noong bata, nagpalit na ng puso at kasarinlan, babae na kaming pareho. Siya nga ang nagturo sa mga kasali sa Ms. Sportsfest competition ng tamang pag-rampa sa entablado.

At hindi ko makakalimutan ang contestant na sumayaw ng may hawak na torch na mukhang barbeque na nakadikit sa kanyang mga daliri. Inisip ko, paano kaya kung natilapon ang ala-barbeque na apoy niya sa mga judges? Mabuti na lang kahit mas pinagtutuunan ko ng pansin ang i-pod at cellphone ko, hindi ako tinapunan ng lumalagablab na barbeque.

Ito naman ang mga tanong sa question and answer portion. Sinubukan kong sagutan ang mga ito habang nakikinig sa mga sagot ng mga contestants. Pinili kong ilagay ang aking mga kasagutan sapagkat hindi ko na matandaan ang mga sinagot ng mga contestants. Nalunod kasi ng tawanan at hiyawan ang kanilang mga boses noon:

1) How will you invite the youth to join different sports and how will you convince them to avoid drugs?
a) I will conduct a sports fest every year consisting of various sports so that the youth will be given the chance to join in the field that they are good at or are willing to excel in. I will also invite government and private organizations in a symposium that will be presented to the youth. In this way, they will know the consequences of being addicted to drugs.
b) I will invite the youth to join different sports and convince them to avoid drugs by texting them and sending them messages in friendster saying: "I invite you to join different sports and I convince you to avoid drugs."

2) If you will be given a chance to make a new sport to the youth what will it be?
a) I won't make a new sport. Instead, I will try to revive the Philippine games that are on the verge of being left behind by the new generation. The youth should be taught how to play these games the way they are supposed to. We should take pride in our native sports because through this, we do not only develop the physical and mental aspect of our body, we also foster camaraderie and preservation of our culture and tradition. I thank you bow. (Actually, wala lang talaga akong maisip na new sport kaya inechos ko na lang ang sagot ko. Haha.)
b) I will make a new sport called balleyball. It is a combination of basketball and volleyball.

3) If you will be elected as the new barangay captain, what will be the first thing that you will do to make your barangay productive?
a) I will first invite guests that will help me in a symposium that will tackle about preparing a resume, and preparing for a job interview. After which, I will conduct a Job Fair at the barangay complex. These will mainly target those who are looking for work. In this way, I can help them provide a good future for their family allowing them to be productive citizens in the future.
b) Magpapalechon ako para ganahan sila na magtrabaho pagkatapos kumain.

4) In your explanation, what is the importance of sports in the youth?
a) Sports is important in such a way that it serves as a better way to occupy the free time of the youth. Instead of lazily lying around the house, they can play sports that will strengthen their body and can also be a venue for them to look for new friends.
b) Ang sports ay isang alternatibo sa pagpupunta sa gym.

5) As a candidate which will you choose: beauty or smart? Explain your sayings with your own explanation. (Hay, sinusulat ko lamang po ang aking narinig. Sa aking palagay ay iyan ang eksaktong tanong maliban na lamang kung nabibingi na ako.)
a) I choose to be smart. Beauty na kasi ako e. ;p
b) Mas mahalaga ang katalinuhan kaya ito ang pipiliin ko. Tapos kapag mayaman na ako dahil sa aking katalinuhan, saka na lamang ako dadalaw kay Dra. Belo. O pwede ring hindi na kasi nag-uumapaw na ang pero ko nun.

Habang sinusulat ko ito ay kumakanta si Soulja Boy sa kaliwa at si Tom Jones sa kanan. Oo, tama, nagsimula na naman ang kompitensya ng aming dalawang kapitbahay sa "What's the best genre to play in the morning?" Magbati na sana sila.

Sa akin, sa amin, happy fiesta!

Magpapalechon ako! ;p

Monday, April 28, 2008

ang naudlot na zoo

"Pati ba naman sa pusa takot ka?"

"Hala, hindi ka makakain niyang asong iyan!"

"Nakakatawa talaga ito, hindi naman makakalabas iyang isda sa aquarium."

Oo, inaamin ko takot ako sa hayop. Oo, kahit na anong hayop takot ako.

Pero alam mo ba, noong bata ako, muntik nang maging zoo ang bahay namin. Sige na nga, medyo eksaherado naman ito, pero sa dinami dami ng aming mga alagang hayop, medyo malapit na rin ang pagsasalarawan ko.

Naalala ko na nagkaroon kami ng apat na aso. At dahil hindi ako marunong kumilatis ng uri ng aso, at hindi rin naman ako mahilig magtanong noon, iisa lamang ang naalala ko, iyong dalmatian. Mayroon din pala kaming isang aso na naging kaclose ko. Naaalala ko na isang araw, habang nagpapalatastas sa tv, lumapit ako sa kanya at pinasubo ang kamay ko. Hindi ko na maalala kung bakit ko pinasubo sa kanya ang kamay ko. Malay ko ba naman na ang balak pala nito ay hindi na pakawalan ang aking kamay?

Nagkaroon din kami ng hamster. Isang gabi, habang madilim ang kuwarto, bumulagta sa akin ang cage niya... wala na siya. Lumayas kaya? Nang lumaon ay umugong ang bali balita na nakipagtanan siya sa pusa ng aming kapitbahay.

Nagkaroon din kami ng rabbit. Sa lahat ng mga alaga namin, ang rabbit na ito ang medyo sikat sa akin. Siya lang ang natatandaan ko ang pangalan. Jelly. Black na may gray ang kulay niya. Mahilig siya sa carrots. Mabait siya. Tahimik. Ngunit isang araw, habang mainit ang panahon, bigla na lamang siyang nanigas. Naisip kong isawsaw ang buo niyang katawan sa tubig o di kaya ay ipasok siya sa freezer at pagkatapos pag labas ay matutunaw ang lamig niya parang yelo at babalik na rin siya sa dati pero huli na ang lahat.

Nagkaroon din kami ng gold fish. Galing pa siya sa Baguio. Ang tanda ko ay orange ang kulay niya. Hindi ako nakatoka sa pagpapakain sa kanya, taga bili lamang ako. Paano kasi, takot nga ako na baka lumabas siya sa aquarium at kagatin ako.

Nagkaroon din kami ng lovebirds na kung hindi ako nagkakamali ay pakana ko. Nainspire kasi ako sa laruan kong parrot na nagsasalita. Kaya akala ko, lahat ng mga ibon ay nagsasalita. Ngunit sina lovebirds ay hindi nagsalita. Nagtukaan lamang sila.

Nagkaroon din kami ng mga pato. Oo, ducks. Sila ay pinalayas ng aking yaya noon dahil akala niya ay hindi sa amin iyon. Paano kasi, bago pa lamang siya noon.

Walang nagtagal sa mga alaga naming ito. Inisip ko na lamang na hindi talaga inilaan ng tadhana na magkasamasama kami nang matagal.

Bagaman at hindi ko na alam ang mga pangalan nila, minahal ko sila. Naging bahagi sila ng aking kabataan. Naroon sila noong mga panahong wala akong kalaro dahil inaaway ako ng aking mga kaklase noong kinder. Naroon sila noong busy ang yaya ko sa pakikipag-eye-to-eye sa kanyang crush.

Siguro sila ang dahilan kung bakit takot na ako sa mga hayop ngayon.

Takot na akong mapalapit sa kanila. Siguro kasi, sa kasuluksulukan ng aking damdamin, natatakot ako na baka kapag naging malapit ako sa kanila, muli na naman silang kunin sa akin.

Ewan ko ba.

Gusto ko lamang sabihin na hindi dahil sa takot ako sa mga hayop ay ayoko na sa kanila. Mabait ako. Sabi ko. Sabi rin nila.

Ahhhhh basta, tatapusin ko na ito para kumain ng hipon. Hindi ako takot sa hipon. Masarap ang hipon. Oo, totoo. Oo, gutom na ako.

Saturday, April 26, 2008

you make translate this to our native tongue

Sa anumang kadahilanan ay kailangan nating i-translate ang mga sumusunod na pangungusap.
___________________________________________________________________
Ang mga sumusunod ay aking nahagilap sa peyups:
  • Ika-ilang presidente na si Gloria?
  • Binabalisawsaw ako.
  • Manong, pakitusok nga para sa akin yung fishballs.
  • Bawal ang sabit sa jeep.
  • Wag ka ngang epal, bangasan kita diyan eh!
  • Wag ka ngang makulit!
  • Batukan kita diyan e!
  • Pabili nga ng tatlong IUD, 2 betamax at apat na adidas.
__________________________________________________________________
Susubukan kong sagutin ang mga ito. Subok lang, walang personalan, wala ring aangal:

  • What.... how many.... Gloria is the ... (ay suko na ako.)
  • I am being bentdipdip.
  • Brother, please ... (naman oo, huwag na nga, magluluto na lang ako ng sarili kong fish ball).
  • Don't thick yourself, I will hit you!
  • Don't do/say things all over again! (come on, ganun din kasi ang sense nito e.)
  • I will hit you there!
  • May I buy three intestines, 2 blood and 4 chicken feet.
Wahahahaha. Sabi ko na nga ba, palpak na naman ang English ko.

Ehem, kung kayo ay may sagot dito, paki-post naman, gusto kong malaman ang mga saloobin ninyo. Haha.

Wednesday, April 23, 2008

makikilala mo na siya

Bago na ang lay-out at title ng blog na ito, maging ang quote na ginamit ay bago rin. Babaguhin na rin ng may-akda ang wika ng kanyang pagsusulat ng entries. Simula ngayon ay Filipino na ang gagamitin niyang medium (huwaw). Matagal na niyang balak gawin ito ngunit ngayong summer lang siya nagkaroon ng panahon na pagtuunan ito ng pansin. At oo, inaamin niya, nauubusan na rin kasi siya ng English, pati tissue dahil sa kanonosebleed sa pag-i-Ingles.

Ang susunod ay ang pinakamahaba at pinakabagong About Me ni Joanna.

  • Mahilig siyang magsabi ng period, exclamation point, question mark at dot dot dot pagkatapos magsalita para hindi malito ang kanyang kausap pero kapag ginaya na siya ay itinitigil na niya ito dahil siya naman ang nalilito.
  • Naniniwala siyang hindi na dapat pang ipilit na i-Tagalog ang mga English phrases na hindi bagay. Tulad ng: "Catch me if you can." -> "Saluhin mo ako kung kaya mo." Nawawalan ng dating. Gayundin ang mga kataga sa Filipino na nawawalan ng dating kapag isinalin. Tulad ng: "Saging lang ang may puso!" -> "Only a banana has a heart!" Ngek, ano daw sabi?
  • Ngunit naniniwala siya na ang English ng "Naiinitan ako!" ay "I'm so hot!"
  • Mayroon siyang blog na nasa wikang Ingles at may totoong William siyang kakilala na nagko-comment dito.
  • Gusto niya ang lasa ng Lucky Me spaghetti.
  • Hindi pa siya nakakasakay sa likod ng tricycle at wala siyang balak na subukan ito.
  • Noong Grade six at First year high school ay nagsulat siya ng dalawang pocketbooks na wala siyang balak na ipabasa kanino man.
  • Kapag wala siyang magawa ay natutulog siya.
  • Paborito niya ang color blue.
  • Noong bata siya, mayroon siyang sinusubaybayang Chinese drama series na walang English subtitle pero naalala niyang naiintindihan niya ang kuwento at inaabangan ito kahit hindi siya marunong magsalita ng Chinese.
  • Paborito niya sina John at Igi Boy ng GoingBulilit at tawang tawa siya sa episode nilang Paltos.
  • Mahal niya ang Backstreet Boys at una niyang naging crush si Nick Carter bago sila nagkatagpo ni Aaron Carter.
  • Paborito rin niya ang Simple Plan at ipinagmamalaki niyang alam niyang i-pronounce ang pangalan ng lead vocalist na si Pierre Bouvier.
  • Pinaninindigan niyang hindi siya naging F4 fanatic kahit may poster, pictures, teks, magazine, vcd, handkerchief at mousepad siya na may mga mukha ng mga ito.
  • Simula nang ipalabas ng GMA ang Endless Love kung saan sumikat sina Jenny at Johnny, naging panatiko na siya ng Koreanovelas.
  • Sa Endless Love, crush niya ang batang aktor na gumanap sa teenager version ni Johnny at crush din niya si Andrew.
  • Ang mga sinubaybayan niyang Asianovelas ay: Endless Love, Love Letter, Lavander, Meteor Garden 1, Meteor Garden 2, Full House, Frog Prince, Gokusen 1, Kim Sam Soon, It Started With A Kiss, Comeback Soon-ae, Coffee Prince, Lovers, at Hana Kimi.
  • Hindi niya nasubaybayan ang Attic Cat at Marrying A Millionaire pero gusto rin niya ang mga ito.
  • Una siyang nahumaling sa Dragon Ball Z kung saan naging crush niya sina Goku at Trunks pero masyado itong mahaba.
  • Kaya sumunod ang Ghost Fighter kung saan nalulong siya sa pangongolekta at paglalaro ng teks at nagkaroon ng crush kay Dennis at sa may long black hair na amo ni Taguro iyong medyo loveteam ng ate ni Alfred.
  • Nagustuhan niya ang basketball dahil sa Slam Dunk kung saan crush niya ang naka-glasses na team mate ni Rukawa.
  • Gusto niya ang Doraemon at Mojacko pero wala siyang crush sa mga ito.
  • Mayroon siyang DVD ng sampung season ng F.R.I.E.N.D.S. at paborito niyang manood ng F.R.I.E.N.D.S. bloopers at interviews sa youtube.
  • Bukod dito, pinapanood din niya ang videos nina Brad Pitt at Jennifer Aniston sa youtube dahil naniniwala siya na bagay sila.
  • Dahil dito, malamang magiging paboritong kanta niya ang You Were Mine ng Dixie Chicks.
  • Bago nito, akala niya ay kanta ng Dixie Chicks ang Cheekee Song. Kanta pala ito ng Cheekee Girls.
  • Kahapon lang niya nalaman na ang paborito niyang si Jennifer Aniston ay may second name na Joanna, katulad niya.
  • Bukod sa series na F.R.I.E.N.D.S., paborito rin niya ang Grey's Anatomy kung saan may kumpleto siyang DVD collection at paulit ulit na pinanonood ang unang pagpapakita ni McSteamy, wohoo!
  • Para sa kanya mas bagay sina Izzie at Karev, O'Malley at Torres, McSteamy at Addison, at siyempre McDreamy at Meredith.
  • Gusto niya ang Eureka Season 1 at 2 kung saan crush niya si Nathan.
  • Kahit laging kulang sa damit si Miaka, favorite anime niya ang Fushigi Yuugi kung saan crush niya si Hotohori.
  • Gusto rin niya ang Detective Conan at crush niya si Conan na matangkad.
  • Kasalukuyan niyang isinusulat sa notebook ang blog entries niya simula noong Sunday, February 2, 2003 9:02 pm para mabasa niya ito anytime, anywhere. At kasalukuyan din niyang napagtatanto na masakit pala sa kamay ang pagsusulat ng entries na lampas one hundred pages.
  • Crush siya ni Harry pero sinabi niyang kaibigan lang ang tingin niya dito at dahil naka-oo na siya kay William.
  • Paboritong aktres niya si Sandra Bullock kaya lang nahihirapan siyang i-pronounce ang apelyido nito kaya madalas ang sagot niya sa tanong na "Who's your favorite actress?" ay: "Sandra B." Tapos pag di magets ng nagtatanong, idudugtong niya: "Yung Miss Congeniality." Tapos sasabihin ng nagtatanong: "Ah ok." O di ba, nagets din?
  • Naniniwala siyang dapat ibalik ang tambalang Juday at Wowee.